Lunes, Abril 23, 2012

DAY 1 to DAY 4


DAY 1

"Time Travel"

Habang ang bawat isa sa atin ay time traveler patungo sa hinaharap, hindi magkamayaw ang sangkatauhan sa paghubog ng kasaysayan dahil sa paglipas ng panahon, may namuong takot sa loob ng mga butong sumusuporta sa dalawang tila maninipis na lobo na naglalaman ng hangin ng buhay ng organismong binabalot ng karnal na nagsisilbing kasuotan ng pagkatao.
Ang takot na ito ay ang "pagharap sa hinaharap" dahil sa pagtaas ng level ng trahedya na nangyayari sa planetang ating ginagalawan.

Bakit nga ba hindi nating magawang maglakbay pabalik sa panahon? upang muling buhayin ang mga natamong karangalan, itama ang mga pagkakamali, kilalanin ang ating mga bayani, maaari ding iwasan ang mga sakuna o para lang muling bisitahin ang ating pagkabata sa kasalukuyang katauhan na nagtataglay ng karunungan na hinubog ng panahon.
Kaya nga ba ng tao na maglakbay patungo sa future? pabalik sa nakaraan?
Time travel. Isang isyu na hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ng mga siyentipiko.
Sa kasalukuyan, ito ay nagkaroon na ng posibilidad dahil sa mga makabagong teorya gaya ng string theory, black holes, and wormholes.

Pano nga ba natin makokontrol ang oras?
Lagi na lang ba tayong kokontrolin ng oras?
Ang oras, o time sa inggles ay napakamisteryoso sa buhay ng tao.
Paggising mo pa lang, sinusunod mo na si father time, kailangan mo ng bumangon dahil sa oras na para bumangon.
kahit san ka magpunta at kahit anong gawin mo ay kailangan mong sundin ang oras.
Oras na para kumain, oras na para matulog, oras na para pumasok sa eskwela o opisina.
hindi ba nagpapahinga ang oras?
Pwede bang pahintuin ang oras?
Maaari ba tyong maglakbay sa oras?

Maaaring ang iba sa atin ay hindi aware na ang bawat isa sa atin ay naglalakbay sa oras.
Kaya hindi mo masasabing ang katawagang "time traveler" ay "science fiction" lamang.
Lahat tayo ay time traveler.. into the future.

Kaya nga ba nating makaganti sa time?
Darating ba ang panahon na tayo naman ang kokontrol sa time?
How can we ever manipulate time?
Is time absolute?
Maybe not.
Time is relative.
What do I mean?
Masasabi mong ang time ay absolute kung ito ay constant at consistent sa lahat ng lugar.
Ang bawat oras nga ba ay pare-pareho sa iba't-ibang tao at sa iba't-ibang lugar?

Isang umaga, habang ako ay nasa bus papuntang opisina, according to my orasan, ako ay malelate na.
Kahit na alam kong 'advance' ang orasan ko, alam kong sa ilang minuto na na lang ang natitira bago mag 8 AM.
Pero maaari ding ako ay late na dahil ako ay nagbased sa orasan ko.
What if I based it on other people?
Dito pa lang, marerealize mo na na ang oras o time ay hindi absolute.
Kalokohan dn yung tinatawag na 'universal' time.
Time is relative to the person or to the observer.
Sino nga ba ang unang tao na nakapagpabago sa ating pagkakakilala o pagkakaalam sa 'time'.

Isang tao ang nagtrabaho sa isang patent office.
Si Einstein.
Paano?
Bakit?
Nung panahon na yun, nagkaroon ng conflict sa mga orasan ng mga train station at sa iba pang lugar.
Dahil dito, maraming siyentipiko at inventor ang nag-imbento ng mga makina upang ma-synchronize ang time.
Maraming mga invention na pinadala sa patent office kung saan nagtatrabaho si Einstein.
Dahil dito, napaisip si Einstein kung bakit nga ba maraming gustong magsynchronize ng time o orasan.
Dito naisip ni Einstein na ang oras ay hndi magkakapareho sa bawat tao.

Ano ang kanyang teorya?
Na ang oras ay bumabagal kapag ang isang object, bagay, o tao ay tumatakbo o gumagalaw.
Mas mabilis ang oras kapag nakahinto ka lang sa isang lugar.

Bakit hindi natin to namamalayan sa pang-araw araw na pamumuhay?
Dahil napakaliit lang ng interval ng oras sa mga bagay na tumatakbo o gumagalaw sa planet Earth na pawang ang "atomic clock" lamang ang makakapagmeasure ng bilis o bagal ng oras sa taong gumagalaw at nakahinto lamang.
Dito na nabuo ang teoryang "space-time."
Na tayo ay hindi lamang gumagalaw sa "space" which comprised of three-dimensional, namely, lenght, width, and height.
Dahil sa ating paggalaw ay laging kaakibat ang oras.
Kaya mapapatunayang tayo ay gumagalaw sa apat na dimensyong tinatawag na space-time.

And if we can travel through space, that means we can also travel through time.
How?
There are many ways to travel through time.
First, let's discuss how to travel to the future.
One possible way of traveling to the future is by gravity.
How?
What science concept can explain this?
Based on Einstein, ang oras ay bumabagal kapag ang isang tao ay gumagalaw.
At gaya ng paggalaw o motion, ang gravity din ay nakakaapekto sa oras.
Bumabagal ang oras kapag malakas ang gravity.
Saan bang lugar may malakas na gravity?
Black holes.
Ang black hole ay nagtataglay ng napakalakas na gravity kaya kapag ikaw
ay nagtravel sa loob ng black hole ng ilang oras, ang oras ay napakabagal.
Maaaring pagbalik mo sa planet Earth galing sa black hole, 50 years na ang nakalipas o maaaring 100 years pa.
Kaya ang ilang oras mo na pag-stay sa black hole ay maaaring ilang tao na ang nakakalipas sa planet Earth.
Kung wala ka naman pamasahe papunta sa black hole. Tumira ka na lang sa lugar sa planet Earth na malapit sa center of gravity.
Kaya kung titira ka sa mataas na building na may 50 floors, dun ka na sa 1st floor dahil mas mabagal ang oras dun.
Eh pano naman tayo makakapagtravel sa nakaraan?
Through the wormhole.
Ang wormhole ay isang lagusan sa space-time kung saan maaari kang makapunta sa kahit saang lugar at sa kahit anong panahon.
Ngunit kung ang teorya nga ng wormhole ay totoo, bakit wala tayong nakikita o nami-meet na mga tao na galing sa future?
Dahil kung sa future sila galing at bumalik sila sa 'past', asan sila?
Dito nagkakarron ng realization that time only moves forward.
Like a river flowing continously and endlessly, ang oras ay dumadaloy ng tuloy tuloy patungo sa dulo, hindi pabalik sa umpisa.
Ano nga ba ang characteristics ng time?
Ito nga ba ay parang ilog na patuloy na dumadaloy, minsan bumabagal, minsan bumibilis?
O ito ba ay isang ilg na frozen at hindi dumadaloy?
Kaya ba tayo ay na-trapped na sa kasalukuyan? dahil sa frozen tayo sa isang panahon at di makalangoy ng mabilis papunta sa future o lumangoy muli sa nakaraan.
Parang mga isda na nagyeyelo din sa isang nagyeyelong ilog.
Unless may isang isda na nagtyagang bakbakin ang yelong ilog at lumabas sa ibabaw ng ilog at maglakbay ng malaya sa ilog ng oras patungo saan man nya naisin, sa nakaraan o hinaharap.

Ano nga ba talaga ang sagot sa misteryo ng time?
Ito nga ba ay isang ilusyon nga lang?
Paano mo nga ba talaga malalaman ang distinction ng past, present, and future?
It's TIME for you to think.


Day 2

"Eternal Atoms"

Ang mga atoms ay patuloy na narerecycle.
Maaring ikaw ay sampung taong gulang pa lamang ngunit merong mga atoms sa iyong katawan na kasingtanda na ng universe.
Ang mga atoms na bumubuo sa ating katawan ay nanggaling pa sa mga stars na sumabog bilyong libong taon na ang nakakaraan.
Ang mga stars na nakikita mo sa mga gabing matanglaw ay actually mga pabrika na tila nagmamanufacture ng iba't-ibang uri ng atoms.

Kahit na dumoble pa ang bilang ng tao sa planet Earth taon-taon, ang mass ng Earth ay mananatili pa rin at di magbabago.
Bakit kamo?
Ang mga atoms sa ating katawan ay pawang "rearrangements" lamang ng mga atoms na nangingibabaw sa planet Earth.
Para ka lang palang "lego" at yung mga "parts" ay yung atoms.

Ang basic building block ng ating katawan ay ang "cell."
Ngunit kahit na ang mga cells na yun ay binubuo pa rin naman ng mga atoms.
Ang mga cells sa iyong katawan at ang cells na nasa bigas na kinakain mo ay binubuo ng atoms.
Sa katunayan nga, ang ilan sa mga atoms ng bigas na kakainin mo ay magiging part na rin ng katawan mo.
Parang si Gohan at Trunks ng Dragon Ball Z, magfufusion technique para maging si "gotenks."
Kaya sa mga panahon na ikaw ay nalulungkot, isipin mo na lang na may mga atoms sa katawan mo na dating atoms din sa katawan ni Jose Rizal o ni Einstein.
Oh baka yung leeg mo, may atoms jan na naggaling pa sa dinosaur.
Astig! :D

DAY 3
"Space Travel"

Ang sinoman na nakasakay na ng eroplano o sa kotse na sobrang bilis ng andar ay pamilyar na sa feeling na parang tinutulak ka pabalik sa sandalan ng inuupuan mo kapag ang sasakyan ay nagsimulang mag-accelerate na mula sa pagkakatamabay nito.
Ang ganitong penomena ay nagaganap din ng mas matindi pa kapag nakasakay ka ng spaceship.
Ang fusion reaction sa impulse drive ay lumilikha ng napakalakas na pressures, na nagtutulak sa mga gases at radiation backward away from the ship sa napakataas na velocity.
Ito ay ang 'backreaction force' sa mga engines o makina ng spaceship--galing sa mga gas at radiation na nagmamadaling tumakas o lumabas-na nagdudulot sa mga engines para mag-"recoil" forward.
Di madaling makapagpaandar ng spaceship o mag 'rocket launching'(kaya nga pumalya yung north
korea).
Para makapagpaandar ka ng rocket o spaceship, kailangan mo munang labanan ang gravity (downward force) at lumikha ka ng upward force na magtutulak sa pwet ng rocket pataas sa kalangitan up up and away.
Kaya kinakailangan ng astig na mga engines at makina, di lang basta makina ng traysikel, kahit barako pa yan or electronic start, di ubra.
Ang ship, na pinagkakabitan ng mga engines o makina, ay nagrerecoil forward din.
Kaya nga sa unang andar nito sa umpisa, tinutulak ka ng upuan mo pataas kaya yung likod mo na nakasandal dito ay dikit na dikit na
(ang sakit na nga eh) kase habang yung upuan mo ay pataas ang direction, yung likod mo naman ay hinihila ng gravity
pabalik ng planet earth, kaya nagkikiskisan yung likod mo at upuan, swerte ka na kung sofa yun.
Now, here's the catch.
Gaya ng isang martilyo na mabilis na ipapalo sa ulo mo na magpoproduce ng napakalakas ng pwersa (force) sa iyong bungo na magiging sanhi ng kamatayan. Para ka na ring nakaupo sa silya elektrika dahil yung upuan mo ang
papatay sa'yo, di nga lang kuryente ang gamit kundi yung force na sobrang bigat o lakas na hahampas sayo.
Ang mga jet pilots at NASA ay merong bansag na katawagan sa forces na ito na nag-eexert sa iyong katawan kapag ikaw ay sumasailalim sa high accelerations (sa eroplano o sa space launch): G-forces.
Ito ay maidedescribe ko sa paghahalintulad sa aking nananakit na likod: Habang ako ay nakaupo sa aking computer terminal at busy na nagttype, nararamdaman ko ang ever-present pressure ng aking office chair sa ‘king pwet--ang pressure na aking nakasanayan na (yun nga lang, pwedeng yung pwet ko ay nagiging flat na dahil sa puro upo na lang ako dito sa office!)

Ang force sa aking pwetan ay resulta ng paghila ng gravity, na kung wala lang nakaharang ay tuloy tuloy ung pwet ko diretso sa center of the Earth kung saan nandon din ang center of gravity.
Ano nga ba ang pumipigil sakin upang mag-accelerate pababa?
Malamang, yung upuan ko, at kung wala naman yung upuan, ay yung ground na nag-eexert naman ng opposite upward force sa aking upuan, which, in turn, ay nag-eexert din ng force sa aking katawan na nakadikit at nakasandal sa upuan.

Kung ang Earth ay doble ang mass pero ganito pa rin ang diameter, ang pressure sa aking pwet ay dodoble din.
Ang upward forces ay kailangang labanan ang force of gravity na dumoble sa lakas na parang lumaklak ng cobra energy drink.
Ganun din ang nangyayari sa space travel.
Kung ikaw ay nakaupo sa 'captain's seat' at nag isyu ka ng command na ang ship ay paandarin na, kailangan mong isaalang alang ang force na matatamo mo sa pagtulak sayo ng upuan mo pataas.
At kapag nirequest mo na na doblehin pa ng bilis ang acceleration ng spaceship, ang pwersa na tumutulak sa likod mo galing sa upuan mo ay dodoble din.
The greater the acceleration, the greater the push.
Kaya kung nanaisin mo na magtravel into speed of light oh kahit yung sobrang bilis lang na sa isang iglap ay nasa kabilang ibayo ka na, imposible pa yun sa ngayon.
Dahil sa ganun kabilis ay walang makakatagal sa ganung uri ng pwersa, kaya hindi rin yun kakayanin ng katawan mo.
Isa pa, bago pa man wasakin ng mga forces na yun ang pisikal na katawan mo, may mga iba pang physiological problems kang kakaharapin.
Una at higit sa lahat, magiging imposible na sa iyong puso na magpump ng todo upang itulak ang mga dugo mo patungo sa ulo mo.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga fighter pilots ay nahihimatay minsan kapag sila ay nagpeperform ng maneuvers na ubod ng bilis sa
himpapawid.
Kaya lumikha ang mga siyentipiko ng mga 'special suits' upang iforce ang dugo pataas mula sa mga binti ng piloto para mapanatili silang 'conscious'habang sila ay nagpapatakbo ng jet.
Itong mga physiological reactions ay nananatiling isa sa mga limiting factors upang madetermine kung gaano nga ba kabilis ang makakaya ng ating mga present-day aircrafts.
Kaya nga ang NASA, di gaya ng classic novel ni Jules Verne na 'From the Earth to the Moon' ay hindi naglaunch ng 3 tao sa outer space gamit ang giant cannon.
Kung gugustuhin ko man na mag-accelerate from rest hanngang, sabihin na nating, 150,000 km/s, o kalahati man lang ng speed of light,
Kailangan ko itong gawin ng mabilisan at biglaan, para yung katawan ko ay hindi magkalasag lasag in the process.
para hindi ako maitulak pabalik sa aking upuan at hampasin ng upward force galing sa upuan ko ng force na
higit pa sa 3G (g-force as the unit of gravity),ang acceleration ko ay hindi dapat lumagpas ng three times sa
downward acceleration ng falling objects sa Earth.
Sa ganitong rate ng acceleration, ito ay magtatagal ng 5 million seconds o dalawa't kalahating buwan, para lang maabot ang half light speed.
Napakatagal nun at boring.
Naabot mo nga yung kalahati ng speed of light, inabot naman ng higit sa dalawang buwan.
Pano nangyari yun?
Eh diba pag mabilis ang andar mo, mabilis din ang takbo ng oras?
Yun ang sa palagay mo.
Pero habang bumibilis ka, bumabagal naman ang oras.
Theory of Relativity 101.
At para maresolve ang dillemang ito, kailangan mo ng 'inertial dampers', isang uri ng cosmic shock absorver.
Kinakailangan mo ng artificial gravitational field sa loob ng spaceship na humihila ng opposite direction sa reaction force, kaya ang gravity galing sa Earth ay nacacancel na.
Parang nababalance na, kung may gravity na humihila sayo sa sahig na humihila sa likod mo papaunta sa sandalan ng upuan mo, edi lagyan mo rin ng artificial gravity sa bubong ng spaceship mo para hilahin ka rin pataas, at dahil dun, balance parin, parang nakasakay ka lang sa normal na pampasaherong jeepney.

DAY 4
"TRUTH OR CONSPIRACY"

What is a conspiracy theory?
Ang conspiracy theory ay isang teorya na walang katotohanan at pawang gawa-gawa lamang.
Ito ay pinasimulan ng mga "conspiracy theorist" at pinaniwalaan ng mga taong ignorante o walang alam sa subject matter kaya basta basta na lang namamangha at madaling mapaniwala dahil sa bagong ideya o paranormal (kuno) na mga pangyayari.
Maramaning dahilan kung bakit gumagawa ng conspiracy theory, isa itong uri ng "advertisement" o pang-akit, pwede ring ito ay pagpapapansin lang dahil kulang sa pansin ang taong pasimuno nito, yun bang "epal lang" at walang magawa sa buhay.
ISang halimbawa ng conspiracy theory na madalas mangyari, maging sa Pilipinas ay ang mga haka-haka tungkol sa kung anu-anong wala naman talagang kakwenta-kwentang bagay tulad ng mga multo, kapre, white lady, kaluluwa, mama mary na lumuluha ng dugo, santo ninyo na tinutubuan ng bulaklak sa ulo na nagigihng buhok, at iba pang milagrosang pangyayari.

Ngunit ano nga ba ang katotohanan?
Paano mo malalaman na ang isang bagay ay isa lamang conspiracy theory?

Ang ibang conspiracy theory ay nikuso lang o talagang imahinasyon lang. Mga "creative" daw sila na mga conspiracy theory, but creative is not the right term for them, maybe "clever" o talagang mga tusong mapanlinlang na mga nilalang sila.
For example sa isang remote area sa kabundukan na malayo sa kabihasnan o sa syudad, maaaring mag-iisip ang isang mayor o brgy. captain, pano kaya makikilala ang brgy. natin? o ang probinsyang ito?
O maaarin din namang may isang turistang napadpad dun at biglang nagkabumbilyo sa ulo at naisip bigla na pwede nyang gamitin ang lugar na yon para matupad na ang matagal na nyang pinapangarap nung bata pa sya na mapalabas sya sa tv at mainterview, kaya ayun, gumagaw ng conspiracy theory..
Unang gagawin nya ay magpapakalat muna ng tsismis, for example may nakita sya sa bundok na malaking higanteng unggoy na parang si kingkong.. tas kakalat na yung balita sa mga tao sa baryo ata yun magsisimula na ang hunting sa kingkong sa bundok, eto namang turistang ito ay kailangan ng gumawa ng paraan para hindi mapabulaanan ang ginawa nyang kwento, kaya gagastos sya ngayon para magpagawa ng maskot ng unggoy o di kaya'y malaking saranggolang kulay itim na may mukha ng kingkong, at maghahire sya nga mga taong mukhang unggoy at papaakyatin nya sa puno para ugain yung puno at gumalaw yung mga dahon, tas syempre di mawawala yung sound effects na parang sumisigaw na unggoy na kinuha nya lang sa pelikula ng godzilla vs. kingkong.
Tas ayun na, magtatakbuhan yung mga duwag na lalakeng pumunta dun para maghunting, pero di naman lahat eh duwag, may magmamatapang din na matitira dun pero wala rin namang magagawa kase di nya makikita yung unggoy dahil non-existent naman talaga c kingkong.
At ayun, makakatunog ang media sa nangyaring kaguluhan sa bundok at sa baryo, kaya't pupunta dun si raffy tima o di kaya'y si hawi seberino para mag-interview, kung swerte swerte pa baka si jesika soho pa pumunta dun.
At dahil sa pangyayaring yun, dadayuhin na ng iba pang reporters at iba pang mga tao na mahilig magresearch ng mga mystery or paranormal, kaya ayun, sumikat na ang baryo, marami ng tindera ng ice tubig na sampumpiso isa at biskwit na bente isa, maraming negosyo ang maiiisip nilang ibenta na ginto ang presyo, yung iba naman gagawa ng subenir na mga mukha ng unggoy at nakaengrave ang name ng baranggay nila sa gitna.

Isa pang halimbawa ay yung mga nakatira naman sa tabing dagat, meron ding isang capitalista na foreigner na makakaisp kung paano nya nga ba mapapasikat yung resort na yun, at gaya ng naunang example, gagawa din sya ng conspiracy theory, this time, about naman sa sirena o kaya shokoy, maghihire sya ng mga mukhang shokoy o bading na sirena na kalahati isda kalahati bading. At mababalitaan ng media kaya't dadayuhin na ang resort. (pakibasa nalang yung ending ng unang example, ganun din yun).

Marami pang conspiray theories na nakakalat sa mundong ito na hindi mo pa nalalaman, ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang antivirus ng computer ay hindi talaga antivirus, dahil ang totoo ay sila pa ang supplier ng virus. Pano naman nya madeedetect yung isang virus kung wala syang ganung virus sa kanyang system?
2. Ang mga gulay daw masustansya? Masustansya sa pesticides, yung iba nga tinurukan pa ng hormones para madaling tumaba, yung iba tinurukan ng kemikal na anti-higad para di kainin ng higad, yung iba naman tinurukan ng kemikal para di agad mabulok, kase sa layo ng byahe, pano kaya nila mapapanatiling fresh ang mga yun? bukod sa pagwisik ng tubig sa palengke para magmukhang bagong pitas ang kamatis o mansanas?
3.Mga "sale goods" tulad ng biskwit, noodles, maling, at cookies na gawa sa karton.
4.Ang mga foreign investors na nagtatayo ng business sa Pilipinas na layunin daw makatulong upang mabigyan ng trabaho ang mga unemployed Filipinos, yun pala mga 'agent' ng New World Order, upang isakatuparan ang globalisasyon sa pamamagitan ng pagbili ng mga properties sa iba't-ibang bansa, ngunit ang totoo ay unti-unti na nila tayong sinasakop, at darating ang araw na ang mga lupain sa Pilipinas ay pagmamay-ari na ng foreigners.
5. Ang mga mainstream music na sikat na sikat ngayon na mukhang nakakatuwa at masayang pakinggan, yun pala ay isang paraan ng Illuminati upang makontrol ang utak ng mga nakikinig sa kanila.

Marami pang mga bagay-bagay dito sa mundo na "conspiracy theory" lamang, mga sanga-sangang conspiracy na nagsimula pa nung unang panahon na ang iba ay naging tradisyon na at nakasanayan na.
May mga paniniwala ang tao na pawang kasinungalingan lang.

Be aware. Be informed.