DAY
1
"Time
Travel"
Habang
ang bawat isa sa atin ay time traveler patungo sa hinaharap, hindi
magkamayaw ang sangkatauhan sa paghubog ng kasaysayan dahil sa
paglipas ng panahon, may namuong takot sa loob ng mga butong
sumusuporta sa dalawang tila maninipis na lobo na naglalaman ng
hangin ng buhay ng organismong binabalot ng karnal na nagsisilbing
kasuotan ng pagkatao.
Ang
takot na ito ay ang "pagharap sa hinaharap" dahil sa
pagtaas ng level ng trahedya na nangyayari sa planetang ating
ginagalawan.
Bakit
nga ba hindi nating magawang maglakbay pabalik sa panahon? upang
muling buhayin ang mga natamong karangalan, itama ang mga
pagkakamali, kilalanin ang ating mga bayani, maaari ding iwasan ang
mga sakuna o para lang muling bisitahin ang ating pagkabata sa
kasalukuyang katauhan na nagtataglay ng karunungan na hinubog ng
panahon.
Kaya
nga ba ng tao na maglakbay patungo sa future? pabalik sa nakaraan?
Time
travel. Isang isyu na hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ng
mga siyentipiko.
Sa
kasalukuyan, ito ay nagkaroon na ng posibilidad dahil sa mga
makabagong teorya gaya ng string theory, black holes, and wormholes.
Pano
nga ba natin makokontrol ang oras?
Lagi
na lang ba tayong kokontrolin ng oras?
Ang
oras, o time sa inggles ay napakamisteryoso sa buhay ng tao.
Paggising
mo pa lang, sinusunod mo na si father time, kailangan mo ng bumangon
dahil sa oras na para bumangon.
kahit
san ka magpunta at kahit anong gawin mo ay kailangan mong sundin ang
oras.
Oras
na para kumain, oras na para matulog, oras na para pumasok sa eskwela
o opisina.
hindi
ba nagpapahinga ang oras?
Pwede
bang pahintuin ang oras?
Maaari
ba tyong maglakbay sa oras?
Maaaring
ang iba sa atin ay hindi aware na ang bawat isa sa atin ay
naglalakbay sa oras.
Kaya
hindi mo masasabing ang katawagang "time traveler" ay
"science fiction" lamang.
Lahat
tayo ay time traveler.. into the future.
Kaya
nga ba nating makaganti sa time?
Darating
ba ang panahon na tayo naman ang kokontrol sa time?
How
can we ever manipulate time?
Is
time absolute?
Maybe
not.
Time
is relative.
What
do I mean?
Masasabi
mong ang time ay absolute kung ito ay constant at consistent sa lahat
ng lugar.
Ang
bawat oras nga ba ay pare-pareho sa iba't-ibang tao at sa iba't-ibang
lugar?
Isang
umaga, habang ako ay nasa bus papuntang opisina, according to my
orasan, ako ay malelate na.
Kahit
na alam kong 'advance' ang orasan ko, alam kong sa ilang minuto na
na lang ang natitira bago mag 8 AM.
Pero
maaari ding ako ay late na dahil ako ay nagbased sa orasan ko.
What
if I based it on other people?
Dito
pa lang, marerealize mo na na ang oras o time ay hindi absolute.
Kalokohan
dn yung tinatawag na 'universal' time.
Time
is relative to the person or to the observer.
Sino
nga ba ang unang tao na nakapagpabago sa ating pagkakakilala o
pagkakaalam sa 'time'.
Isang
tao ang nagtrabaho sa isang patent office.
Si
Einstein.
Paano?
Bakit?
Nung
panahon na yun, nagkaroon ng conflict sa mga orasan ng mga train
station at sa iba pang lugar.
Dahil
dito, maraming siyentipiko at inventor ang nag-imbento ng mga makina
upang ma-synchronize ang time.
Maraming
mga invention na pinadala sa patent office kung saan nagtatrabaho si
Einstein.
Dahil
dito, napaisip si Einstein kung bakit nga ba maraming gustong
magsynchronize ng time o orasan.
Dito
naisip ni Einstein na ang oras ay hndi magkakapareho sa bawat tao.
Ano
ang kanyang teorya?
Na
ang oras ay bumabagal kapag ang isang object, bagay, o tao ay
tumatakbo o gumagalaw.
Mas
mabilis ang oras kapag nakahinto ka lang sa isang lugar.
Bakit
hindi natin to namamalayan sa pang-araw araw na pamumuhay?
Dahil
napakaliit lang ng interval ng oras sa mga bagay na tumatakbo o
gumagalaw sa planet Earth na pawang ang "atomic clock"
lamang ang makakapagmeasure ng bilis o bagal ng oras sa taong
gumagalaw at nakahinto lamang.
Dito
na nabuo ang teoryang "space-time."
Na
tayo ay hindi lamang gumagalaw sa "space" which comprised
of three-dimensional, namely, lenght, width, and height.
Dahil
sa ating paggalaw ay laging kaakibat ang oras.
Kaya
mapapatunayang tayo ay gumagalaw sa apat na dimensyong tinatawag na
space-time.
And
if we can travel through space, that means we can also travel through
time.
How?
There
are many ways to travel through time.
First,
let's discuss how to travel to the future.
One
possible way of traveling to the future is by gravity.
How?
What
science concept can explain this?
Based
on Einstein, ang oras ay bumabagal kapag ang isang tao ay gumagalaw.
At
gaya ng paggalaw o motion, ang gravity din ay nakakaapekto sa oras.
Bumabagal
ang oras kapag malakas ang gravity.
Saan
bang lugar may malakas na gravity?
Black
holes.
Ang
black hole ay nagtataglay ng napakalakas na gravity kaya kapag ikaw
ay
nagtravel sa loob ng black hole ng ilang oras, ang oras ay
napakabagal.
Maaaring
pagbalik mo sa planet Earth galing sa black hole, 50 years na ang
nakalipas o maaaring 100 years pa.
Kaya
ang ilang oras mo na pag-stay sa black hole ay maaaring ilang tao na
ang nakakalipas sa planet Earth.
Kung
wala ka naman pamasahe papunta sa black hole. Tumira ka na lang sa
lugar sa planet Earth na malapit sa center of gravity.
Kaya
kung titira ka sa mataas na building na may 50 floors, dun ka na sa
1st floor dahil mas mabagal ang oras dun.
Eh
pano naman tayo makakapagtravel sa nakaraan?
Through
the wormhole.
Ang
wormhole ay isang lagusan sa space-time kung saan maaari kang
makapunta sa kahit saang lugar at sa kahit anong panahon.
Ngunit
kung ang teorya nga ng wormhole ay totoo, bakit wala tayong nakikita
o nami-meet na mga tao na galing sa future?
Dahil
kung sa future sila galing at bumalik sila sa 'past', asan sila?
Dito
nagkakarron ng realization that time only moves forward.
Like
a river flowing continously and endlessly, ang oras ay dumadaloy ng
tuloy tuloy patungo sa dulo, hindi pabalik sa umpisa.
Ano
nga ba ang characteristics ng time?
Ito
nga ba ay parang ilog na patuloy na dumadaloy, minsan bumabagal,
minsan bumibilis?
O
ito ba ay isang ilg na frozen at hindi dumadaloy?
Kaya
ba tayo ay na-trapped na sa kasalukuyan? dahil sa frozen tayo sa
isang panahon at di makalangoy ng mabilis papunta sa future o
lumangoy muli sa nakaraan.
Parang
mga isda na nagyeyelo din sa isang nagyeyelong ilog.
Unless
may isang isda na nagtyagang bakbakin ang yelong ilog at lumabas sa
ibabaw ng ilog at maglakbay ng malaya sa ilog ng oras patungo saan
man nya naisin, sa nakaraan o hinaharap.
Ano
nga ba talaga ang sagot sa misteryo ng time?
Ito
nga ba ay isang ilusyon nga lang?
Paano
mo nga ba talaga malalaman ang distinction ng past, present, and
future?
It's
TIME for you to think.
Day
2
"Eternal
Atoms"
Ang
mga atoms ay patuloy na narerecycle.
Maaring
ikaw ay sampung taong gulang pa lamang ngunit merong mga atoms sa
iyong katawan na kasingtanda na ng universe.
Ang
mga atoms na bumubuo sa ating katawan ay nanggaling pa sa mga stars
na sumabog bilyong libong taon na ang nakakaraan.
Ang
mga stars na nakikita mo sa mga gabing matanglaw ay actually mga
pabrika na tila nagmamanufacture ng iba't-ibang uri ng atoms.
Kahit
na dumoble pa ang bilang ng tao sa planet Earth taon-taon, ang mass
ng Earth ay mananatili pa rin at di magbabago.
Bakit
kamo?
Ang
mga atoms sa ating katawan ay pawang "rearrangements"
lamang ng mga atoms na nangingibabaw sa planet Earth.
Para
ka lang palang "lego" at yung mga "parts" ay yung
atoms.
Ang
basic building block ng ating katawan ay ang "cell."
Ngunit
kahit na ang mga cells na yun ay binubuo pa rin naman ng mga atoms.
Ang
mga cells sa iyong katawan at ang cells na nasa bigas na kinakain mo
ay binubuo ng atoms.
Sa
katunayan nga, ang ilan sa mga atoms ng bigas na kakainin mo ay
magiging part na rin ng katawan mo.
Parang
si Gohan at Trunks ng Dragon Ball Z, magfufusion technique para
maging si "gotenks."
Kaya
sa mga panahon na ikaw ay nalulungkot, isipin mo na lang na may mga
atoms sa katawan mo na dating atoms din sa katawan ni Jose Rizal o ni
Einstein.
Oh
baka yung leeg mo, may atoms jan na naggaling pa sa dinosaur.
Astig!
:D
DAY
3
"Space
Travel"
Ang
sinoman na nakasakay na ng eroplano o sa kotse na sobrang bilis ng
andar ay pamilyar na sa feeling na parang tinutulak ka pabalik sa
sandalan ng inuupuan mo kapag ang sasakyan ay nagsimulang
mag-accelerate na mula sa pagkakatamabay nito.
Ang
ganitong penomena ay nagaganap din ng mas matindi pa kapag nakasakay
ka ng spaceship.
Ang
fusion reaction sa impulse drive ay lumilikha ng napakalakas na
pressures, na nagtutulak sa mga gases at radiation backward away from
the ship sa napakataas na velocity.
Ito
ay ang 'backreaction force' sa mga engines o makina ng
spaceship--galing sa mga gas at radiation na nagmamadaling tumakas o
lumabas-na nagdudulot sa mga engines para mag-"recoil"
forward.
Di
madaling makapagpaandar ng spaceship o mag 'rocket launching'(kaya
nga pumalya yung north
korea).
Para
makapagpaandar ka ng rocket o spaceship, kailangan mo munang labanan
ang gravity (downward force) at lumikha ka ng upward force na
magtutulak sa pwet ng rocket pataas sa kalangitan up up and away.
Kaya
kinakailangan ng astig na mga engines at makina, di lang basta makina
ng traysikel, kahit barako pa yan or electronic start, di ubra.
Ang
ship, na pinagkakabitan ng mga engines o makina, ay nagrerecoil
forward din.
Kaya
nga sa unang andar nito sa umpisa, tinutulak ka ng upuan mo pataas
kaya yung likod mo na nakasandal dito ay dikit na dikit na
(ang
sakit na nga eh) kase habang yung upuan mo ay pataas ang direction,
yung likod mo naman ay hinihila ng gravity
pabalik
ng planet earth, kaya nagkikiskisan yung likod mo at upuan, swerte ka
na kung sofa yun.
Now,
here's the catch.
Gaya
ng isang martilyo na mabilis na ipapalo sa ulo mo na magpoproduce ng
napakalakas ng pwersa (force) sa iyong bungo na magiging sanhi ng
kamatayan. Para ka na ring nakaupo sa silya elektrika dahil yung
upuan mo ang
papatay
sa'yo, di nga lang kuryente ang gamit kundi yung force na sobrang
bigat o lakas na hahampas sayo.
Ang
mga jet pilots at NASA ay merong bansag na katawagan sa forces na ito
na nag-eexert sa iyong katawan kapag ikaw ay sumasailalim sa high
accelerations (sa eroplano o sa space launch): G-forces.
Ito
ay maidedescribe ko sa paghahalintulad sa aking nananakit na likod:
Habang ako ay nakaupo sa aking computer terminal at busy na nagttype,
nararamdaman ko ang ever-present pressure ng aking office chair sa
‘king pwet--ang pressure na aking nakasanayan na (yun nga lang,
pwedeng yung pwet ko ay nagiging flat na dahil sa puro upo na lang
ako dito sa office!)
Ang
force sa aking pwetan ay resulta ng paghila ng gravity, na kung wala
lang nakaharang ay tuloy tuloy ung pwet ko diretso sa center of the
Earth kung saan nandon din ang center of gravity.
Ano
nga ba ang pumipigil sakin upang mag-accelerate pababa?
Malamang,
yung upuan ko, at kung wala naman yung upuan, ay yung ground na
nag-eexert naman ng opposite upward force sa aking upuan, which, in
turn, ay nag-eexert din ng force sa aking katawan na nakadikit at
nakasandal sa upuan.
Kung
ang Earth ay doble ang mass pero ganito pa rin ang diameter, ang
pressure sa aking pwet ay dodoble din.
Ang
upward forces ay kailangang labanan ang force of gravity na dumoble
sa lakas na parang lumaklak ng cobra energy drink.
Ganun
din ang nangyayari sa space travel.
Kung
ikaw ay nakaupo sa 'captain's seat' at nag isyu ka ng command na ang
ship ay paandarin na, kailangan mong isaalang alang ang force na
matatamo mo sa pagtulak sayo ng upuan mo pataas.
At
kapag nirequest mo na na doblehin pa ng bilis ang acceleration ng
spaceship, ang pwersa na tumutulak sa likod mo galing sa upuan mo ay
dodoble din.
The
greater the acceleration, the greater the push.
Kaya
kung nanaisin mo na magtravel into speed of light oh kahit yung
sobrang bilis lang na sa isang iglap ay nasa kabilang ibayo ka na,
imposible pa yun sa ngayon.
Dahil
sa ganun kabilis ay walang makakatagal sa ganung uri ng pwersa, kaya
hindi rin yun kakayanin ng katawan mo.
Isa
pa, bago pa man wasakin ng mga forces na yun ang pisikal na katawan
mo, may mga iba pang physiological problems kang kakaharapin.
Una
at higit sa lahat, magiging imposible na sa iyong puso na magpump ng
todo upang itulak ang mga dugo mo patungo sa ulo mo.
Ito
ang dahilan kung bakit ang mga fighter pilots ay nahihimatay minsan
kapag sila ay nagpeperform ng maneuvers na ubod ng bilis sa
himpapawid.
Kaya
lumikha ang mga siyentipiko ng mga 'special suits' upang iforce ang
dugo pataas mula sa mga binti ng piloto para mapanatili silang
'conscious'habang sila ay nagpapatakbo ng jet.
Itong
mga physiological reactions ay nananatiling isa sa mga limiting
factors upang madetermine kung gaano nga ba kabilis ang makakaya ng
ating mga present-day aircrafts.
Kaya
nga ang NASA, di gaya ng classic novel ni Jules Verne na 'From the
Earth to the Moon' ay hindi naglaunch ng 3 tao sa outer space gamit
ang giant cannon.
Kung
gugustuhin ko man na mag-accelerate from rest hanngang, sabihin na
nating, 150,000 km/s, o kalahati man lang ng speed of light,
Kailangan
ko itong gawin ng mabilisan at biglaan, para yung katawan ko ay hindi
magkalasag lasag in the process.
para
hindi ako maitulak pabalik sa aking upuan at hampasin ng upward force
galing sa upuan ko ng force na
higit
pa sa 3G (g-force as the unit of gravity),ang acceleration ko ay
hindi dapat lumagpas ng three times sa
downward
acceleration ng falling objects sa Earth.
Sa
ganitong rate ng acceleration, ito ay magtatagal ng 5 million seconds
o dalawa't kalahating buwan, para lang maabot ang half light speed.
Napakatagal
nun at boring.
Naabot
mo nga yung kalahati ng speed of light, inabot naman ng higit sa
dalawang buwan.
Pano
nangyari yun?
Eh
diba pag mabilis ang andar mo, mabilis din ang takbo ng oras?
Yun
ang sa palagay mo.
Pero
habang bumibilis ka, bumabagal naman ang oras.
Theory
of Relativity 101.
At
para maresolve ang dillemang ito, kailangan mo ng 'inertial dampers',
isang uri ng cosmic shock absorver.
Kinakailangan
mo ng artificial gravitational field sa loob ng spaceship na humihila
ng opposite direction sa reaction force, kaya ang gravity galing sa
Earth ay nacacancel na.
Parang
nababalance na, kung may gravity na humihila sayo sa sahig na
humihila sa likod mo papaunta sa sandalan ng upuan mo, edi lagyan mo
rin ng artificial gravity sa bubong ng spaceship mo para hilahin ka
rin pataas, at dahil dun, balance parin, parang nakasakay ka lang sa
normal na pampasaherong jeepney.
DAY
4
"TRUTH
OR CONSPIRACY"
What
is a conspiracy theory?
Ang
conspiracy theory ay isang teorya na walang katotohanan at pawang
gawa-gawa lamang.
Ito
ay pinasimulan ng mga "conspiracy theorist" at pinaniwalaan
ng mga taong ignorante o walang alam sa subject matter kaya basta
basta na lang namamangha at madaling mapaniwala dahil sa bagong ideya
o paranormal (kuno) na mga pangyayari.
Maramaning
dahilan kung bakit gumagawa ng conspiracy theory, isa itong uri ng
"advertisement" o pang-akit, pwede ring ito ay
pagpapapansin lang dahil kulang sa pansin ang taong pasimuno nito,
yun bang "epal lang" at walang magawa sa buhay.
ISang
halimbawa ng conspiracy theory na madalas mangyari, maging sa
Pilipinas ay ang mga haka-haka tungkol sa kung anu-anong wala naman
talagang kakwenta-kwentang bagay tulad ng mga multo, kapre, white
lady, kaluluwa, mama mary na lumuluha ng dugo, santo ninyo na
tinutubuan ng bulaklak sa ulo na nagigihng buhok, at iba pang
milagrosang pangyayari.
Ngunit
ano nga ba ang katotohanan?
Paano
mo malalaman na ang isang bagay ay isa lamang conspiracy theory?
Ang
ibang conspiracy theory ay nikuso lang o talagang imahinasyon lang.
Mga "creative" daw sila na mga conspiracy theory, but
creative is not the right term for them, maybe "clever" o
talagang mga tusong mapanlinlang na mga nilalang sila.
For
example sa isang remote area sa kabundukan na malayo sa kabihasnan o
sa syudad, maaaring mag-iisip ang isang mayor o brgy. captain, pano
kaya makikilala ang brgy. natin? o ang probinsyang ito?
O
maaarin din namang may isang turistang napadpad dun at biglang
nagkabumbilyo sa ulo at naisip bigla na pwede nyang gamitin ang lugar
na yon para matupad na ang matagal na nyang pinapangarap nung bata pa
sya na mapalabas sya sa tv at mainterview, kaya ayun, gumagaw ng
conspiracy theory..
Unang
gagawin nya ay magpapakalat muna ng tsismis, for example may nakita
sya sa bundok na malaking higanteng unggoy na parang si kingkong..
tas kakalat na yung balita sa mga tao sa baryo ata yun magsisimula na
ang hunting sa kingkong sa bundok, eto namang turistang ito ay
kailangan ng gumawa ng paraan para hindi mapabulaanan ang ginawa
nyang kwento, kaya gagastos sya ngayon para magpagawa ng maskot ng
unggoy o di kaya'y malaking saranggolang kulay itim na may mukha ng
kingkong, at maghahire sya nga mga taong mukhang unggoy at
papaakyatin nya sa puno para ugain yung puno at gumalaw yung mga
dahon, tas syempre di mawawala yung sound effects na parang sumisigaw
na unggoy na kinuha nya lang sa pelikula ng godzilla vs. kingkong.
Tas
ayun na, magtatakbuhan yung mga duwag na lalakeng pumunta dun para
maghunting, pero di naman lahat eh duwag, may magmamatapang din na
matitira dun pero wala rin namang magagawa kase di nya makikita yung
unggoy dahil non-existent naman talaga c kingkong.
At
ayun, makakatunog ang media sa nangyaring kaguluhan sa bundok at sa
baryo, kaya't pupunta dun si raffy tima o di kaya'y si hawi seberino
para mag-interview, kung swerte swerte pa baka si jesika soho pa
pumunta dun.
At
dahil sa pangyayaring yun, dadayuhin na ng iba pang reporters at iba
pang mga tao na mahilig magresearch ng mga mystery or paranormal,
kaya ayun, sumikat na ang baryo, marami ng tindera ng ice tubig na
sampumpiso isa at biskwit na bente isa, maraming negosyo ang maiiisip
nilang ibenta na ginto ang presyo, yung iba naman gagawa ng subenir
na mga mukha ng unggoy at nakaengrave ang name ng baranggay nila sa
gitna.
Isa
pang halimbawa ay yung mga nakatira naman sa tabing dagat, meron ding
isang capitalista na foreigner na makakaisp kung paano nya nga ba
mapapasikat yung resort na yun, at gaya ng naunang example, gagawa
din sya ng conspiracy theory, this time, about naman sa sirena o kaya
shokoy, maghihire sya ng mga mukhang shokoy o bading na sirena na
kalahati isda kalahati bading. At mababalitaan ng media kaya't
dadayuhin na ang resort. (pakibasa nalang yung ending ng unang
example, ganun din yun).
Marami
pang conspiray theories na nakakalat sa mundong ito na hindi mo pa
nalalaman, ito ay ang mga sumusunod:
1.
Ang antivirus ng computer ay hindi talaga antivirus, dahil ang totoo
ay sila pa ang supplier ng virus. Pano naman nya madeedetect yung
isang virus kung wala syang ganung virus sa kanyang system?
2.
Ang mga gulay daw masustansya? Masustansya sa pesticides, yung iba
nga tinurukan pa ng hormones para madaling tumaba, yung iba tinurukan
ng kemikal na anti-higad para di kainin ng higad, yung iba naman
tinurukan ng kemikal para di agad mabulok, kase sa layo ng byahe,
pano kaya nila mapapanatiling fresh ang mga yun? bukod sa pagwisik ng
tubig sa palengke para magmukhang bagong pitas ang kamatis o
mansanas?
3.Mga
"sale goods" tulad ng biskwit, noodles, maling, at cookies
na gawa sa karton.
4.Ang
mga foreign investors na nagtatayo ng business sa Pilipinas na
layunin daw makatulong upang mabigyan ng trabaho ang mga unemployed
Filipinos, yun pala mga 'agent' ng New World Order, upang
isakatuparan ang globalisasyon sa pamamagitan ng pagbili ng mga
properties sa iba't-ibang bansa, ngunit ang totoo ay unti-unti na
nila tayong sinasakop, at darating ang araw na ang mga lupain sa
Pilipinas ay pagmamay-ari na ng foreigners.
5.
Ang mga mainstream music na sikat na sikat ngayon na mukhang
nakakatuwa at masayang pakinggan, yun pala ay isang paraan ng
Illuminati upang makontrol ang utak ng mga nakikinig sa kanila.
Marami
pang mga bagay-bagay dito sa mundo na "conspiracy theory"
lamang, mga sanga-sangang conspiracy na nagsimula pa nung unang
panahon na ang iba ay naging tradisyon na at nakasanayan na.
May
mga paniniwala ang tao na pawang kasinungalingan lang.
Be
aware. Be informed.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento